Ticket refund ng Gilas vs NBA sinimulan na
MANILA, Philippines - Sinimulan na ang pagre-refund ng mga tiket para sa nakanselang charity games sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng NBA Selection noong Martes at Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang pahayag ng PLDT kahapon matapos ang kanselasyon ng naturang exhibition series na magtatampok sana kina NBA Finals Most Valuable Player Kawhi Leonard ng nagkampeong San Antonio Spurs, James Harden ng Houston Rockets at Damian Lillard at DeMar DaRozan ng Toronto Raptors.
Hindi naman dumating sina Blake Griffin ng Los Angeles Clippers at Paul George ng Indiana Pacers.
Ayon sa mga organizers, ang mga ticket holders na bumili ng tiket sa Ticketnet outlets ay maaaring makuha ang kanilang cash refund sa Ticketnet box office sa Smart Araneta Coliseum yellow gate simula sa Miyerkules ng alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi araw-araw.
Kailangan lamang nilang iprisinta ang kanilang mga tickets at pangalan para makuha ang full cash refund.
Makukuha naman ng mga fans ang kanilang ipi-nambili ng tiket sa Ticketnet Online (www.ticketnet.com.ph) sa pamamagitan ng kanilang credit card bill.
Para sa impormasyon ukol sa refund process, ang mga ticket holders ay maaaring tumawag o mag-text sa 0919-6140865 o sa email [email protected].
Ang tiket sa Patron A section ay nagkakaha-laga ng P23,300 kasunod ang P20,970 sa Patron B, P17,475 sa Patron C, P9,500 sa Lower Box Premium, P8,000 sa Lower Box Regular, P4,000 sa Upper Box Premium, P2,500 sa Upper Box Regular at P750 sa General Admission.
Dahil sa kabiguan ng Manila promoter na East-West Private LLC na matugunan ang requirements na hinihingi sa kanila ng NBA ay napilitan ang una na kanselahin ang ‘Last Home Stand’ charity event noong Martes at Miyerkules.
- Latest