^

PM Sports

Marinx pinaghahandaan ang Philracom Hopeful Stakes race

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpakita ang kabayong Marinx ng magandang kon­disyon bilang paghahanda sa pagtakbo sa 3rd leg ng Philracom Hopeful Stakes race matapos ang dominanteng panalo sa nilahukang karera noong Biyernes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite,

Si Jessie Guce ang siyang gumabay sa tatlong taong filly na pag-aari ni Mayor Leonardo Javier Jr., at do­minado ng kabayo ang 1,100-metro karera matapos ang banderang tapos na panalo.

Sinikap ng Wild Talk na hawak ni Mark Alvarez na sabayan ang Marinx pero nagbayad ito dahil naubos ang tambalan sa rekta.

Dahil dito ay nalagay lamang ang kabayo sa pang-apat na puwesto.

Nakasingit pa ang Emergency Express ni Antonio Al­casid Jr. bago pumangatlo ang Kitty West ni JV Pon­ce.

Sa darating na Sabado gagawin ang Hopeful Stakes at ito ay paglalabanan sa 2,000-metro at ang ipinakita ng kabayong anak ng Sir Cherokee sa Sy­rinx na handa ito para ma­domina ang karera.

Paborito ang Marinx sa nasabing karera para  mag­hatid ng P11.00 sa win, habang ang forecast na 10-2 ay mayroong P27.50 dibidendo.

Ang nakapanorpresa sa gabing ito ay ang Board Walk sa pagdadala ni Herminio Dilema at tu­makbo sa class division 1-C sa 1,300-metro dis­tan­sya.

Sinilat ng Board Walk, hindi tumimbang sa da­lawang takbo sa buwang ito, ang Go Genius ni Vir­gilio Camañero Jr. at na­nalo noong Hulyo 5.

May P285.00 ang ibi­nigay sa win, habang ang 7-6 forecast ay nagpasok ng P81.50 dibidendo.

 

vuukle comment

ANTONIO AL

BOARD WALK

EMERGENCY EXPRESS

GO GENIUS

HERMINIO DILEMA

HOPEFUL STAKES

KITTY WEST

MARINX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with