^

PM Sports

Boozer nakuha ng Lakers via Amnesty

Pang-masa

MANILA, Philippines - Papunta si Carlos Boozer sa Lakers na puno ang frontcourt matapos magbigay ang Los Angeles ng winning bid para sa veteran forward na ini-waive ng Chicago Bulls via amnesty clause.

Ang  Lakers ang may pinakamataas na bid sa ilalim ng binagong waiver process ng liga para sa mga players na ginamit sa amnesty, ayon sa source.

Ginamit ng Chicago Bulls ang amnesty clause sa power forward matapos papirmahin si dating Los Angeles Lakers 7-footer Pau Gasol.

Hindi sinabi kung ano ang naging bid ng Los Angeles Lakers.

Kung magkano ang naging bid ng Lakers ay iba-bawas ito sa utang ng Bulls kay Boozer para sa susunod na  season. Kailangang bayaran ng Chicago ang natitira sa kanyang $16.8 million contract.

Ang 12-year veteran na si Boozer ay nag-average ng career-low na 13.6 points at 8.3 rebounds per game noong nakaraang season para sa Bulls.

Patuloy naman sa pag-iisip si Ray Allen kung siya ay magre-retire na o hindi pa habang papalapit na ang ka-yang ika-39-kaarawan, matapos ang 18-NBA seasons.

Opisyal na lalaro si Paul Pierce para sa kanyang ikatlong team sa loob ng tatlong taon matapos pu-mirma sa Washington Wizards ngunit hindi sinabi ang detalye ng deal bagama’t may ulat na ito ay two years at full mid-level exception na $10.8 million.

Marami naman ang nagkakainteres kay restricted free agent guard Eric Bledsoe dahil wala pa silang napapagkasunduan ng Phoenix.

Pumirma naman si forward Glen Davis ng one-year, $1.23 million deal para bumalik sa Los Angeles Clippers.

 

CARLOS BOOZER

CHICAGO BULLS

ERIC BLEDSOE

GLEN DAVIS

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

PAU GASOL

PAUL PIERCE

RAY ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with