Gilas muling bumagsak sa kamay ng Iran
Laro Ngayon
(Wuhan, China)
5:15 p.m. Philippines vs
China/Chinese-Taipei
(for 3rd place)
7:30 p.m. Iran vs
China/Singapore (Finals)
MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muling natalo ang Gilas Pilipinas sa Iran.
Isinuko ng Nationals ang 55-76 kabiguan sa nagdedepensang Iranians sa semifinal round ng 5th FIBA-Asia Cup sa kagabi sa Wuhan Sports Centre sa Wuhan, China.
Nauna nang tinalo ng Iran ang Gilas Pilipinas para sa gold medal ng FIBA-Asia Men’s Championship noong Agosto ng 2013 na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Lalabanan ng Nationals ang matatalo sa pagitan ng China at Chinese-Taipei, naglalaro pa habang isinulat ito, para sa third place trophy, habang ang mananalo ang sasagupain ng Iranians para sa titulo.
Nagsalpak si 7-foot-2 Hamed Hadadi ng isang two-handed slam dunk matapos iwanan si 6’11 naturalized center Marcus Douthit para sa 73-55 bentahe ng Iranians sa huling 1:37 minuto ng laro.
Iran 76 - Jamshidi 19, Yakhchalidehkordi 18, Hadadi 11, Mashayekhi 10, Sahakian 7, Zanghene 5, Lalehzadeh 3, Arghavan 2, Kazemi Naeini 1, Kardoust 0, Akbari 0, Veisi 0.
Gilas Pilipinas 55 - De Ocampo 11, Lee 11, David 11, Douthit 6, Washington 5, Lee 4, Aguilar 4, Dillinger 3, Fajardo 0, Belga 0, Alas 0, Lanete 0.
Quarterscores; 20-13; 39-28; 61-44; 76-55.
- Latest