^

PM Sports

Seryoso ka ba talaga Manny?

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Ang nakatakdang  dispersal draft ngayong araw na ito sa PBA office ang unang pagkakataon ni Manny Pacquiao na ipakita ang kanyang kaseryosohan sa pagtanggap ng trabaho bilang head coach ng Team Kia sa paparating na PBA Season 40.

Nag-abiso raw si Pacquiao na darating siya  para personal na pumili ng player mula sa dispersal pool ngunit may balitang hindi siya sisipot dahil nagkasakit ang kanyang asawang si Jinkee na kailangan niyang asikasuhin.

Kung hindi siya darating, ang kanyang assistant na si Glen Capacio ang magmamando sa pagpili ng mga players na magiging parte ng pioneer group ng Team Kia sa PBA?

Dagdag balita pa ni Pineda na mag-a-apply ang ‘Pambansang Kamao’ para sa parating na PBA Rookie Draft.

Pero muli ang katanungan, seryoso ba talaga si Pacquiao sa lahat ng ito?

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Pacquiao na sa umaga niya aatupagin ang kanyang boxing training at sa hapon naman niya haharapin ang trabaho sa professional basketball.

Saan kaya papasok ang kanyang obligasyon bilang representante ng Sarangani province sa Kongreso?

Mahirap talagang paniwalaan ang pagiging seryoso ni Pacquiao sa pagpasok sa PBA.

At mas naniniwala ako sa isipan ni twice grand slam coach Tim Cone na malamang maging ‘eye-opener’ para sa marami ang pagpasok ni Pacquiao sa liga.

Tingin ni Cone, makikita ng lahat kung gaano ka-competitive ang PBA sa biglang pagpasok ng isang bagito sa pro league na ito.

“I just think people really don’t know how good the NBA, the coaching, the playing there. It’s really good. It’s even better than we could imagine. And for us here, I think people don’t realize how good the PBA. How good these players are. How good the coaching is. How much strategy goes on. How much discipline and effort goes on,” diin ni Cone.

 “I think it’s exciting time to bring in an iconic figure such as Manny Pacquiao. I think people will realize just how good this league is,” dagdag pa ni Cone.

 Kaya nga lamang, mukhang may ibang kaisipan ang pamunuan ng Team Kia.

 

vuukle comment

DAGDAG

GLEN CAPACIO

GOOD

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

PBA

TEAM KIA

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with