Ika-3 sunod tangka ng Heavy Bombers
MANILA, Philippines - Hawakan ang winning record sa unang pagkakataon sa 90th NCAA men’s basketball ang nais makamtan ng host Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagharap sa Lyceum Pirates ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Galing sa 69-60 panalo ang Heavy Bombers sa Letran Knights sa hu-ling laro para sa ikala-wang dikit na tagumpay at makabangon mula sa 0-2 panimula.
Mapapanood ang laro dakong alas-4 ng hapon at ang Pirates ay magbabaka-sakali rin na matuhog ang ikatlong panalo matapos ang limang laro.
Nakikita ni Heavy Bombers coach Vergel Meneses na magpapatuloy ang winning run ng kanyang koponan dahil natuto nang sumunod sa game plan ang kanyang mga bataan.
“The players started to realize that we can’t win games if we will follow our game plan,” wika ni Meneses.
Handa naman ang Pirates na harapin ang hamon ng JRU matapos mapalaban sa Mapua Cardinals na kanilang tinalo sa pamamagitan lamang ng dalawang puntos, 80-78 sa huling laro.
Ang magandang ipinakita kahit natalo ang koponan ang siyang pag-huhugutan ng lakas ni Mapua coach Fortunato Co para makaisa na sa pagsukat sa Arellano Chiefs sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.
- Latest