^

PM Sports

Floyd nakaungos kay Manny

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inungusan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao at iba pang fighters sa pagkakahirang bilang Best Fighter para sa ikatlong sunod na taon sa 22nd ESPY Awards noong Huwebes.

Tinalo ni Mayweather, ang best pound-for-pound boxer, sina Pacquiao at Andre Ward pati na sina UFC stars John Jones at Rona Rousey.

Ito ang pang-anim na pagkakataon na nakamit ng Las Vegas-based boxer ang award matapos noong 2007, 2008, 2010, 2012 at 2013.

“Mayweather cruised to a majority decision over Saul Alvarez to unify the light middleweight titles. He improved to a record of 46-0 with a decisive win over Marcos Maidana,” sabi ng ESPN.

Nakatakdang labanan ng undefeated fighter, ang top-paid athlete ayon sa Forbes, si Maidana sa isang rematch sa Setyembre.

Gusto ng mga boxing fans na sagupain ni Mayweather si Pacquiao.

“Thank you so much to ESPN and everyone, every fan that voted. Without you guys, like I said before, I wouldn’t be where I’m at,” wika ni Mayweather sa pagtanggap niya sa award.

Ang ESPY Awards ay isinasagawa bawat taon para parangalan ang mga best athletic performances sa loob ng isang taon.

Ang mga fans, sportswriters, broadcasters, sports executives at sports personalities ang pumipili ng mga nominees at ang mga mananalo ay madedetermina via online fan voting.

 

ANDRE WARD

BEST FIGHTER

FLOYD MAYWEATHER JR.

JOHN JONES

LAS VEGAS

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

PACQUIAO

RONA ROUSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with