^

PM Sports

PLDT Poomsae tourney handa na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkakataon na ng mga Pinoy jins na maka­pag­pasikat sa gagana­ping 2014 PLDT Home Bro National Taekwondo Poomsae Championships na itinakda sa darating na Hulyo 19 at 20 sa Ni­noy Aquino Stadium.

Ang naturang kompe­tisyon na inaasahang la­lahukan ng mahigit sa 1,500 jins ay magtatampok sa apat na events na ki­nabibilangan ng in­di­­­vidual colored belts, black belts, free style at synchronized poomsae sa mga kategorya  para sa edad na 8-11 Children, 12-14 Cadet, 15-17 Juniors at 18-above Seniors.

Inaasahang sasabak sa torneo ang mga jins mula sa iba’t ibang region tulad ng ARMM, CAR, CARAGA at NCR bukod sa mga taekwondo clubs na Powerflex, Ateneo, San Sebastian Col­lege, UP, San Beda College, De La Salle Zo­bel, DLSU, More Than Medals, Korean Taek­­wondo Committee (KTC), Team Baguio, Pangasinan, Cebu, Bulacan, Nueva Ecija, UTA-Tigers, PNP at AFP.

Ang Poomsae ay isang non-contact event na nagpapakita ng attacks at defense techniques laban sa di nakikitang kalaban.

Nagagawa ito gamit ang kaalaman sa basic, tamang paghinga, balanse at konsentrasyon.

Ang Pilipinas ay kilala rin bilang isa sa mahusay na bansa sa poomsae sa malalaking kompetis­yon sa labas ng bansa.

Ang da­­lawang araw na event ay suportado ng  SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco, MILO at Philippine Sports Com­mission (PSC).

ANG PILIPINAS

ANG POOMSAE

AQUINO STADIUM

COMMUNICATIONS INC

DE LA SALLE ZO

HOME BRO NATIONAL TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIPS

KOREAN TAEK

MORE THAN MEDALS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with