^

PM Sports

Pasilidad sa RMSC ‘di rin nakaligtas kay ‘Glenda’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pinaligtas ng bagyong Glenda ang Rizal Memorial Sports Complex matapos saga-saan ang athletic hub at ilang bahagi ng bagong lagay na artificial turf.

Isang malaking puno ang tinangay ng malakas na hangin ng bagyo na bumangga sa pader malapit sa main gate.

Tinamaan din ang  Ad­­ministration Buil­ding ng Philippine Sports Commission kung saan nabasag ang glass panel sa conference room sa fourth floor.

Ang bagong football turf ay naapektuhan din ng pananalasa ng bag­yong ‘Glenda’.

“The wind loosened up the edges of the turf at the back of each goal, but it just needs minor repairs according to our personnel,” sabi kahapon ni PSC executive director Guil­lermo Iroy.

Samantala, natamaan naman ang Rizal badminton hall ng mga lumilipad na  galvanized iron sheets at nasira ang bubungan ng baseball stadium at na­wasak ang pintuan ng table tennis venue.

Nagkalat ang mga sanga at dahon sa loob ng sports complex kaya na­ging abala sa paglilinis ang “rescue team” ng PSC sa buong araw.

“Team is doing is best to minimize damage,” wika pa ni Iroy.

Hindi naman naapek­tuhan ang billeting area ng mga atletang naninira­han sa sports complex.

Wala ring tigil ang pagsasanay ng weightlifting team kahit na bumabagyo.

“Tuluy-tuloy lang ensayo, kailangan eh,” ani coach Greg Colonia. (OL)

BUIL

GLENDA

GREG COLONIA

GUIL

IROY

ISANG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with