^

PM Sports

Rodriguez top pick ng Kia

Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Rain or Shine forward Larry Rodriguez ang sinasabing magiging top pick ng Kia sa isasa­gawang PBA dispersal draft bukas ng alas-2 ng hapon sa PBA head office sa Libis.

Ang 31-anyos na si Rodriguez ang ginawang unprotected player ng Elasto Painters kasama si Alex Nuy­les.

Si Rodriguez ang ninth overall pick noong 2008 draft kasunod sina Rain or Shine teammates T. Y. Tang at Jeff Chan.

Hindi ibinunyag ng Kia at Blackwater officials ang mga nasa unprotected vete­rans list.

Sinabi ni PBA commissioner Chito Salud na papata­wan nila ng kaparusahan ang expansion teams kung ibubunyag nila ang unprotected list.

Si Salud ang mamumuno sa two-team lottery kasunod ang dispersal draft na magdedetermina kung sinong koponan ang unang pipili.

Si two-time MVP Danny Ildefonso naman ang ina­asahang magiging top pick ng Blackwater.

Ang 37-anyos na si Il­defonso ang first overall se­lection noong 1998 draft at nakapaglaro sa wa­long championship teams.

Sina Rodriguez at Ilde­­fonso ang sinasabing ka­sama sa mga high-profile players na nasa unprotected list.

Ang iba pa ay sina Chris Timberlake, Wynne Arboleda, John Ferriols, Hans Thiele, Bonbon Cus­­todio, Renren Ritualo, Eddie Laure, Ronnie Matias, Rob Labagala, Jason Deutchman, Mark Yee at Val Acuña.

Sinabi ni Blackwater team owner Dioceldo Sy na gusto nilang humugot ng 10 players, habang hang­­gang 16 naman ang balak kunin ng Kia Motors, ayon kay team manager Eric Pineda.

Sa susunod na season ay lillimitahan ng PBA ang bawat koponan sa pag­ka­karoon ng 12 players sa kanilang active lineup bukod pa ang dalawa sa reserve at tatlong practice players.

Sa dispersal draft ay mayroong 53 rookie free agents mula sa nakaraang draft at 22 buhat sa 2012 draft at 55 veteran free agents.

Ilan sa mga unsigned rookie free agents sa naka­raang draft ay sina J. P. Erram, Mark Lopez, Mike Silungan, John Usita, Jett Vidal at Joshua Webb.

Ang 22 rookie free agents noong 2012 ay sina Gian Chiu, Paul Gonzalgo at Eric Suguitan at ang mga veteran free agents ay kinabibilangan nina Ken Bo­no, Reil Cervantes, Alex Crisano, Marvin Cruz, Pong Escobal, Bambam Gama­linda, Borgie Hermida, Chris Pacana, Josh Vanlan­dingham at L. A. Revilla.

ALEX CRISANO

ALEX NUY

BAMBAM GAMA

BONBON CUS

BORGIE HERMIDA

CHITO SALUD

CHRIS PACANA

DRAFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with