3-laro sa PSL kinansela na dahil kay ‘Glenda’
MANILA, Philippines - Nagdesisyon ang mga namamahala sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Fili-pino Conference volleyball tournament na kanselahin ang triple-header na nakahanay sa hapong ito sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang pagdating ng bagyong Glenda (international name Rammasun) na inaasahang magdudulot ng malalakas na ulan at posibleng pagbaha ang siyang nagtulak sa SportsCore na ipagpaliban ang aksyon na katatampukan sana ng pagsisimula ng semifinals sa women’s division.
Ang expansion team AirAsia Flying Spikers at Generika-Army Lady Troopers ang magtutuos dakong alas-4 ng hapon at ang mananalo ay uusad na dapat sa championship round sa ligang handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Ang iba pang laro na nakatakda ay ang pagtutuos ng Petron Lady Blaze Spikers at Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ganap na ika-2 ng hapon para sa ikalimang puwesto habang ang hu-ling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at IEM sa men’s division.
Sinabi ni SportsCore at PSL chairman Ramon “Tats” Suzara na ang mga nakabili na ng tiket sa laro ngayon ay maaaring gamitin ito sa laro sa Hulyo 20 habang iaanunsyo sa mga susunod na araw kung kailan gagawin ang mga larong kinansela. (AT)
- Latest