Takbo para iligtas ang Manila Bay
MANILA, Philippines - Ang paglilinis sa Manila Bay ay bibigyang-diin ng mga tatakbo sa Manila Bay Clean-up Run na gaganapin sa Linggo.
Tinatayang apat na libo ang inaasahang sasali, sa iba’t ibang dibisyon ng 3K, 5K, 10K, at 21K sa panlalaki at pambabae.
Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya -- P21,000 sa first-placer ng 21K run, P10,000 sa 10K winner, P5,000 sa mangunguna ng 5K run, at P3,000 para sa 3K winner.
Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Land Bank, katuwang ang TM, 7-11, Summit Mineral Watter, Hapee Toothpaste, Cobra Energy Drink, 2Go, at M.Lhuillier. Itataon din ito sa ika-75 anibersaryo ng DZRH, ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Pilipinas.
- Latest