Grand slam sa San Mig
MANILA, Philippines - Ang kanilang malalim na championship expe-rience ang sinandigan ng San Mig Coffee para angkinin ang kanilang ikaapat na sunod na korona tampok ang PBA Grand Slam.
Tinalo ng Mixers ang Rain or Shine Elasto Painters, 92-89, sa Game Five para makopo ang kampeonato ng 2014 PBA Governors’ Cup sa harap ng 23,234 fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos magposte ang San Mig Coffee ng isang 16-point lead, 69-53, sa 4:08 ng third period ay nakadikit ang Rain or Shine sa 89-92 agwat sa huling minuto ng fourth quarter.
Apat na sunod na mintis nina James Yap at Mark Barroca sa free throw line para sa Mixers ang nagbigay ng pagkakataon sa Elasto Painters na makatabla at makapilit ng overtime.
Subalit magkakasunod na tumalbog ang mga tangkang three-point shot nina Best Import Arizona Reid, Jeff Chan at Paul Lee para sa Rain or Shine.
“I’m so overwhelmed guys, I’m so overwhelmed. We could not have done this without you,” sabi ni coach Tim Cone, nasikwat ang kanyang ika-18 PBA championship at pangalawang PBA Grand Slam matapos ihatid ang Alaska noong 1996, sa kanilang mga fans.
Si James Yap ang itinanghal na Finals MVP.(Russell Cadayona)
SAN MIG SUPER COFFEE 92 - Yap 29, Blakely 20, Devance 11, Pingris 10, Simon 10, Barroca 6, Maliksi 4, Sangalang 2, Mallari 0, Reavis 0, Melton 0.
Rain or Shine 89 - Reid 23, Lee 21, Almazan 11, Norwood 11, Belga 7, Chan 6, Arana 4, Uyloan 2, Cruz 2, Tiu 2, Ibanes 0, Rodriguez 0.
Quarterscores: 23-16, 43-38, 73-70, 92-89
- Latest