^

PM Sports

Nakakagulat na panalo ng Germany sa Brazil

Pang-masa

BELO HORIZONTE, Brazil – Itinala ng Germany ang pinakanaka-kagulat na resulta ng laro sa kasaysayan ng World Cup nang durugin nila ang Brazil sa semifinals na nagbigay ng kalungkutan sa milyong mga fans at gumulat ng marami.

Umiskor ang inspiradong Germans ng limang goals sa unang 18 first-half minutes upang baguhin ang record books nang bumigay ang depensa ng Brazil na su-mira sa kanilang pangarap na ikaanim na sunod na World Cup title.

Ito ang pinakamasamang pagkatalo ng Brazil sa World Cup, una sa kanilang balwarte sa 64 matches sapul noong 1975 at ito ang unang pagkakataong natalo sila ng anim na goals sa anumang laban sapul nang talunin sila ng Uruguay sa Copa America noong 1920.

Ito rin ang pinakama-laking panalo ng World Cup semifinal  at si German striker Moroslav Klose ang naging unang highest scorer ng torneo sa kanyang 16 World Cup goals para higitan ng isa si Brazilian Ronaldo.

Madadagdagan ng 36-gulang na si Klose ang kanilang record na naitala sa tangka ng Germany na maging world champions sa ikaapat na pagkakataon kontra sa Argentina o sa Netherlands na maghaharap sa Linggo sa Rio de Janeiro.

Sinimulan ni Thomas Mueller ang pananalasa ng Germany sa pag-iskor sa 11th minute nang maagawan niya si David Luiz at nakaiskor ng goal.

Sa pagkawala ng injured na si striker Neymar at defender Thiago Silva, naupos ang Brazil.

Inaasahan ng marami ang pagkatalo, ngunit hindi nila inakala na ganito kasaklap ang magiging kabiguan ng Brazil.

Nang umangat ang Germany sa matayog na 5-0 kalamangan, nagsimulang mag-iyakan ang mga Brazilian fans. Na-ging malinis ang passing ng Germany para makalamang agad ng malaki.

BRAZILIAN RONALDO

COPA AMERICA

DAVID LUIZ

INAASAHAN

ITINALA

MOROSLAV KLOSE

THIAGO SILVA

THOMAS MUELLER

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with