^

PM Sports

Barbosa may ultimatum sa NCF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May dalawang araw si  Grandmaster Oliver Barbosa para magdesisyon kung lalaro siya o hindi sa  Philippine team na sasabak sa 41st World Chess Olympiad na nakatakda sa Aug. 1-15 sa Tromso, Norway.

“They just e-mailed me earlier (kahapon),” sabi ni Barbosa na tinutukoy ang sulat mula sa National Chess Federation of the Philippines na nagtatanong sa kanya kung sasama siya sa Olympiad-bound squad.

Sinabi ng  27-gulang na si Barbosa, dumating kasama si GM Mark Paragua sa New York kamakailan matapos makibahagi sa 42nd World Open in Arlington, Virginia, na binigyan siya ng hanggang Huwebes para magdesisyon.

“They gave me two days so I have until Thursday (Phl time) to decide. For now, I will rest first because I’m coming off three straight open tournaments,” sabi ni Barbosa. “Will probably pray and go to church tomorrow night and maybe I can decide.”

Sinabi ni Barbosa na apektado siya ng kasalukuyang isyu kaya tumapos lang siya ng   5.5 points mula sa tatlong panalo at limang draw at isang talo sa Arlington tournament kung saan nagtala si Paragua ng mas mataas na 6-points.

“Honestly, I can’t focus and think right during my games,” ani Barbosa.

Sina Barbosa at Paragua ay umalis ng bansa noong January matapos ibaba ang kanilang P30,000 sahod mula sa Phl Sports Commission sa P8,000 matapos mabigong maka-gold sa 2013 Myanmar Southeast Asian Games. (JV)

BARBOSA

GRANDMASTER OLIVER BARBOSA

MARK PARAGUA

MYANMAR SOUTHEAST ASIAN GAMES

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NEW YORK

PARAGUA

PHL SPORTS COMMISSION

SINA BARBOSA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with