^

PM Sports

UAAP wars magsisimula na

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pinahahalagahan ni La Salle champion coach Juno Sauler ang mga pahayag ng iba kung ang gagawing kampanya sa 77th UAAP men’s basketball ang pag-uusapan.

Pagtatangkaan ng sophomore coach ang mapagtagumpayan na maidepensa ang suot na titulo sa liga na magbubukas na sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum at ang Archers ay masusukat sa FEU Tamaraws sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

“In my humble opinion, I don’t put focus too much on expectation  and what the future is according to the opinion of the others,” wika ni Sauler sa press conference ng liga kahapon sa Gloria Maris sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Bago ang pahayag ay itinuro ang La Salle ng pitong iba pang koponan na siyang team-to-beat sa season dahil nasa koponan pa rin ang mga players na inasahan noong  nakaraang taon sa pangunguna nina Jeron Teng, Arnold Van Opstal, Almond Vosotros, Norberto Torres at Jason Perkins.

Tatlo ang bagong coaches sa taong ito sa katauhan nina Derick Pumaren ng host UE, Bong Dela Cruz ng UST at Kenneth Duremdes ng Adamson at sila ay makikipagtunggalian sa iba pang beteranong tulad nina  Nash Racela ng FEU, Bo Perasol ng Ateneo, Eric Altamirano ng National University at UP coach Rey Madrid.

Si Madrid ay maninil-bihan ngayon bilang official head coach ng Maroons  matapos maupo sa puwesto bilang interim sa second half ng 2013 season matapos ang pagkawala ng dating coach  na si Ricky Dandan.

Wala ang manlalaro at head coach ng UP at Ateneo sa kaganapan dahil nasa ibang bansa at naglalaro bilang parte ng kanilang paghahanda sa season kaya sila ay kinatawan nina Eagles assistant coach Yuri Escueta at UP representative sa board Ronualdo Dizer.

Si Carmencita Mateo ng UE ang uupo bilang Policy Board president at inanunsyo niya na ang kanilang tema sa taon ay ‘Unity in Excellence’ habang ang ABS-CBN Sports + Action ang siya pa rin magsasaere ng mga laro ng liga.

Ito na ang ikalima at huling taon sa kontrata ng liga at ng network pero inaasahang palalawigin pa ito dahil sa magandang resulta ng kanilang samahan.

 

ALMOND VOSOTROS

ARNOLD VAN OPSTAL

ATENEO

BO PERASOL

BONG DELA CRUZ

COACH

DERICK PUMAREN

ERIC ALTAMIRANO

GATEWAY MALL

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with