Knicks dinayo pa si Anthony sa Los Angeles
NEW YORK – Bumiyahe ng malayo ang Knicks para lang ipaalam kay Carmelo Anthony kung bakit gusto nila itong manatili sa New York Knicks.
Bumiyahe ang mga team officials sa Los Angeles nitong Huwebes para makipagkita sa free agent, ayon sa source.
Inasahang kasama si team president Phil Jackson at general manager Steve Mills sa meeting ngunit hindi si Madison Square Garden chairman James Dolan, ayon sa source.
Nasa Los Angeles si Anthony para makipagkita sa Lakers na naghahabol din sa All-Star forward matapos bisitahin ang Chicago, Houston at Dallas.
- Latest