Malinis ang draw giit ni Comm. Salud
MANILA, Philippines - Marami ang nakapanood ng video kung saan idinaos ang lottery draw noong Martes para sa koponang pipili sa No.1 overall pick ng darating na 2014 PBA Rookie Draft.
Sa nasabing video ay sinasabing hindi na binitawan ni PBA Commissioner Chito Salud ang bolang may nakasulat na Globalport, habang pinakawalan naman niya ang naunang tangan na bola ng Meralco sa isang kahon na hindi nakikita ang loob.
Isa sa mga mariing kumondena sa ginawa ni Salud ay si Rain or Shine head coach Yeng Guiao.
Kahapon ay humingi ng dispensa si Salud sa PBA fans.
“I have seen the video of the Draft Lottery I recently conducted. I can now also see and understand why people have expressed concerns, some even doubts. This is an entirely avoidable issue and I apologize to our fans, our teams and coaches for the distraction it has caused,” sabi ni Salud.
Bagamat humiling ang Rain or Shine ng re-draw ay pinangatawanan ni Salud ang naganap na lottery draw kung saan ang Globalport ang kukuha sa No. 1 overall pick sa 2014 PBA Rookie Draft kasunod ang Meralco.
“Improvements could have easily been instituted had I given this more attention. It simply never occurred to me that the whole process looked crude as Coach Guiao called it. It may have appeared unrefined, but it was an honest draw,” ani Salud. (RC)
- Latest