Nag-level-up na ang NAASCU
MANILA, Philippines - Uunti-unti nang bu-mabangon ang estado ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) men’s basketball matapos ang magandang ipinakikita ng Centro Escolar University sa mga ligang sinalihan.
Ang CEU ang siyang naghari sa liga noong nakaraang taon at ito ay tumapos sa ikatlong puwesto sa isang pre-season tournament na itinataguyod ng isang malaking kumpanya sa gasolina.
“Ang ipinakita ng CEU ay patunay na tumataas na ang quality ng mga laro sa NAASCU. Maaaring hindi pa kami sa level ng NCAA at UAAP pero gumaganda na ang laro namin at ilang taon pa ay papun-ta na kami sa kanilang kinalulugaran,” wika ni NAASCU Chairman Emeritus/founder Dr. Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Isa pang positibong senyales sa liga ay ang pagpasok ng dating kampeon sa NCAA na Philippine Christian University (PCU) bilang ikasiyam na koponan na maglalaro sa men’s basketball na magbubukas sa 14th season ng liga sa Agosto 12 sa Makati Coliseum.
Ang Dolphins ay kampeon ng NCAA noong 1984 at babalik din sa taong ito ang Lyceum Subic Bay para samahan ang multi-titled at host St. Clare, Our Lady of Fatima University, New Era University, City University of Pasay, Rizal Technological University at Polytechnic University of the Philippines. (AT)
- Latest