Handa nang magpasiklab ang Perpetual Altas
MANILA, Philippines - Handa na ang Perpe-tual Help Altas na ipakita ang bagong talent sa Season 90 sa NCAA men’s basketball.
Wala ng import ang koponan at aminado si coach Aric del Rosario na malaking hamon ito para sa kanila. “Wala kaming import ngayon kaya ma-laking hamon ito sa amin dahil kulang kami sa big men,†aniya.
Ngunit tulad ng slogan ng liga na Heroes Today, Tomorrows Legend, nakikita ni Del Rosario na makakahanap siya ng bagong talent na tunay na mapapakinabangan ng koponan at ng NCAA.
Ang mga rookies na sina Gabriel Dagangon (6’2â€) mula Davao City, Ric Gallardo, Melvin Rodriquez at Flash Sadiwa ang mga hinuhubog ngayon para lagyan ng pangil ang kanilang depensa sa ilalim.
Mangunguna sa mga beterano ay ang Rookie of the Year noong Season 89 na si Juneric Baloria bukod pa kay Mythical Five member Harold Arboleda at defensive player Justine Alano.
Naririyan pa sina Season 88 Mythical Five at Most Improved Player Earl Scottie Thompson bukod pa kina Joel Jo-langcob, Nestor Bantayan Jr., Kervin Lucente, Ke-vin Oliveria, Mark Bitoy, Gerald Dizon, JG Ylagan at Anton Tamayo.
Nagkaroon na ng puhunan ang Altas dahil sila ang kinilalang kampeon sa Fr. Martin Summer Cup na kung saan ang kanilang tinalo ay ang UST, 65-56.
Bukod sa Tigers ay namayani rin ang Perpetual sa UE (83-78) at La Salle (98-95) para tumibay ang pananalig ng mga panatiko na kaya ng koponan na umabot sa Final Four sa ikatlong sunod na taon ng liga. (AT)
- Latest