Sino ang kukunin ng Cavs na No.1 draft pick?
CLEVELAND -- Nagkaroon na ang Cavaliers ng mga pagkakataong kumuha ng No. 1 picks sa NBA draft.
At hindi pa ito tapos.
Sa ikalawang sunod na taon, pangatlong beses sa apat na taon at ikaapat sapul noong 2003 -- kung saan nila kinuha ang isang high school phenom na nag-ngangalang LeBron James -- hawak uli ng Cavs ang No. 1 overall pick.
Sa Huwebes ng gabi ay muling hihirang ang Cavs, kasama ang bagong head coach na si David Blatt, ng No. 1 overall pick.
Inaasahang kukunin ng Cleveland sinuman kina Duke forward Jabari Par-ker o Kansas forward Andrew Wiggins na maaaring makatulong sa Cavs sa mga susunod na taon.
Sinuman sa dalawa ay maaaring makaakit ng iba pang players, kasama dito si James na sinasabing aalis sa Miami Heat.
Ang desisyon ni James na subukan ang free-agent market ang nagbigay sa Cleveland at halos lahat ng NBA teams ng panahon na pag-aralan ang kanilang draft plans.
Maaaring baguhin ng Cavs ang kanilang roster sa pamamagitan ng pagte-trade kay star guard Kyrie Irving o isa pang starter para mapaluwag ang kanilang salary-cap para kay James at ang posibilidad na makakuha pa ng isang All-Star.
Maaari rin nilang hikayatin si Kevin Love ng Minnesota Timberwolves na lumipat sa Cleveland.
Ngunit ang tiyak lamang dito ay maraming opsyon ang Cavs.
- Latest