^

PM Sports

Para sa exhibition game vs Gilas Pilipinas Nba Stars darating uli

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Manny V. Pa-ngilinan na dadalhin ng PLDT Home sa bansa ang ilang NBA superstars sa pamumuno nina  Blake Griffin ng LA Lakers,  Damian Lillard ng Portland Trailblazers,  Paul Pierce ng Brooklyn Nets at DeMar DeRozan ng Toronto Raptors para sa isang charity game kontra sa Gilas Pilipinas ngayong taon.

Ginamit ni Pangilinan ang social networking site na Twitter para sa kanyang anunsyo na, “Happy to announce that PLDT HOME will bring in the biggest basketball charity event ever! Blake, Damien, Truth, Demar in #GilasLastHOMEStand,” sabi ni MVP sa kanyang Twitter account NA @iamMVP kung saan may halos 75,000 followers na siya.

Ang tinutukoy ni MVP na Blake ay si Blake Griffin, si Damien ay si Damian Lillard, si Truth ay si Paul Pierce at si DeMar ay si DeMar DeRozan na makikita sa isang charity event laban sa FIBA World Cup-bound Gilas Pilipinas na tinaguriang “The Last HOME Stand” at nakatakda sa Hulyo 22 at 23 sa Smart-Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang pagkakataon na dadalhin sa bansa ni MVP ang mga NBA stars matapos sina Kobe Bryant, ang NBA MVP Kevin Durant, Chris Paul, Derrick Rose, James Harden, Tyreke Evans, Derek Fisher, Derrick Williams at JaVale McGee sa Smart Ultimate All-Star Weekend noong 2011.

“It is important for PLDT HOME to be represented in the world of sports as it continues to resonate with parallelisms to real life,” wika ni PLDT executive vice president and head of Home Business Ariel P. Fermin.

Sinabi naman ni Gilas coach Chot Reyes na ito ay magandang tune up para sa Gilas bago sila magtungo sa Miami, Flo-rida para makasama si na-turalized Andray Blatche.

ANDRAY BLATCHE

BLAKE GRIFFIN

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

CHRIS PAUL

DAMIAN LILLARD

DAMIEN

DEREK FISHER

DERRICK ROSE

GILAS PILIPINAS

PAUL PIERCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with