Texters humirit ng Game 5
MANILA, Philippines - Pinuwersa ng Talk ‘N Text sa Game Five ang kanilang semifinals series ng nagdedepensang San Mig Coffee matapos agawin ang 84-81 overtime win sa 2014 PBA Governors’ Cup semifinals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kumamada si import Paul Harris ng 22 points, 13 rebounds at 3 assists para banderahan ang pagtabla ng Tropang Texters sa Mixers sa 2-2 sa kanilang best-of-five semifinal duel.
Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa 0-2 pagkakaiwan sa San Mig Coffee sa serye para itakda ang Game Five bukas sa Big Dome na magdedetermina kung sino ang maglalaro sa best-of-five championship series.
Huling nakadikit ang San Mig Coffee sa 81-83 buhat sa follow up dunk ni import Marqus Blakely sa natitirang 23 segundo kasunod ang split ni Jayson Castro para sa 84-81 abante ng Talk ‘N Text sa nalalabing 17 segundo.
Samantala, pagkakataon na ng Alaska para mu-ling makapasok sa PBA finals matapos magkampeon noong 2013 Commissioner’s Cup sa ilalim ni dating head coach Luigi Trillo.
Isang panalo na lamang ang kailangang kunin, sasagupain ng Aces ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Four ng kanilang best-of-five semifinals showdown ngayong alas-8 ng gabi Big Dome.
Maaari nang tapusin ng Alaska ang kanilang semifinals series ng Rain or Shine ngayon.
TALK N’ TEXT 84 - Harris 22, Castro 11, Fonacier 11, De Ocampo 9, Seigle 7, Alapag 6, Williams 5, Espiritu 5, Reyes Rob 3, Aban 3, Reyes Ryan 2, Reyes Jai 0, Baclao 0, Carey 0, Canaleta 0.
San Mig 81 - Yap 23, Blakely 12, Pingris 12, Simon 12, Barroca 11, Devance 9, Maliksi 2, Sangalang 0, Mallari 0.
Quarterscores: 22-19, 33-37, 55-56, 74-74, 84-81
- Latest