^

PM Sports

NBA draft maiimpluwensiyahan ng mga veteran players

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na Kevin Love ang kinuha ng Minnesota Timberwolves noong 2008.

Matapos ang anim na taon, muling maririnig ng three-time All-Star ang kanyang pangalan sa gabi ng NBA drafting.

Hindi lamang ang mga college stars at international prospects ang matutunghayan sa centerstage sa Huwebes sa New York.

Pangungunahan ni Love ang listahan ng mga ve-teran NBA players na magkakaroon ng malaking impluwensya sa gabi ng drafting.

Ang sitwasyon sa kontrata ni Love ang nagpapa-isip sa Timberwolves na i-trade siya sa mga koponan ng Boston, Cleveland, Chicago at Denver kapalit ng first-round picks bilang bahagi ng isang package para makuha siya. Maaa-ring nasa package rin sina Arron Afflalo ng Orlando at Klay Thompson ng Golden State, habang ibabase naman kina Kyle Lowry ng Toronto at Eric Bledsoe ng Phoenix kung sino ang dapat kunin ng kanilang mga koponan.

Wala pang nangyaya-ring trades hangga’t hindi nakikita ng mga koponan kung sinong mga players ang maaari nilang kunin sa draft.

“For the most part, the teammates and the coaches will always, always want the certainty of the player in the locker room,” sabi ni Isiah Thomas, isang dating player, executive at coach at kasalukuyang NBATV analyst. “Management will for the most part look at it from a financial aspect, culture aspect and also the type of player they are getting.”

 

ARRON AFFLALO

ERIC BLEDSOE

GOLDEN STATE

HUWEBES

ISIAH THOMAS

KEVIN LOVE

KLAY THOMPSON

KYLE LOWRY

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with