^

PM Sports

Pagara brothers sa Nietes fight

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung matutuloy ang plano ay maaaring mapasama ang magkapatid na sina Jason at Albert Pagara sa undercard ng inaayos na Donnie Nietes fight sa United States sa Nobyembre.

Ang mag-utol na Pagara ay inaa-lagaan ng ALA Promotions bilang future boxing stars ng bansa.

Noong Sabado ng gabi sa Waterfront Hotel sa Cebu City ay parehong pinatumba ng magkapatid na Pagara mula sa Cagayan de Oro ang kanilang mga kalaban mula sa Mexico.

Pinatumba ng 22-anyos na si Jason, ang kasalukuyang WBO International light-welterweight champion, si Mario Meraz via technical knockout sa 2:59 minuto ng fourth round.

Kaagad namang iniligpit ng 20-an-yos na si Albert, ang bagong IBF Inter-Continental junior-featherweight titlist, si Hugo Partida sa 1:18 minuto ng opening round.

Si Jason ay may 34-2-0 record nga-yon kasama ang 21 knockouts, habang bitbit ni Albert ang 21-0-0 tampok ang 15 knockouts.

Hindi pa lumalaban ang mag-utol na Pagara sa labas ng Pilipinas at sinabi ni Michael Aldeguer ng ALA Boxing Promotions na ito na ang tamang panahon para gawin ito.

“First, we wanted to see what Jason is made of or if he’s really ready for the big fights now. He’s at 140 pound and it’s the toughest division out there,” wika ng presidente ng ALA Promotions.

“But I think Jason made a good account of himself. He could have knocked out Meraz but the referee stopped the fight. That was a brutal fight,” dagdag pa nito.

Bago ang kanyang panalo ay sinabi ni Jason na gusto niyang kumampanya sa US at nangangarap na makalaban si Brandon Rios.

“He really has to campaign in the US, train there, spar there. Hopefully, we can get Brandon Rios. The test he needs is to fight the big fights and the big names in the US,” sabi ni Aldeguer.

Tungkol kay Albert, sinabi ni Aldeguer na posible niya itong bigyan ng US training.

“Albert is a young kid. He’s one guy we’ve always wanted to develop. It’s a start-up but he has a long way to go,” wika ng promoter.

Sinabi ni Albert na gusto niyang makasabayan si Guillermo Rigondeaux.

Inaayos ni Aldeguer ang pagdedepensa ni Nietes sa kanyang WBO light-flyweight crown sa Los Angeles sa Nobyembre 8.

Maaaring sumabay ang mga Pagara sa pag-eensayo ni Nietes sa San Diego at makasama sa undercard, ayon kay Aldeguer.

“Yes, we’re looking at that,” sabi nito.

 

vuukle comment

ALBERT PAGARA

ALDEGUER

BOXING PROMOTIONS

BRANDON RIOS

BUT I

CEBU CITY

DONNIE NIETES

GUILLERMO RIGONDEAUX

PAGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with