Sitwasyon sa Incheon aalamin ni Garcia
MANILA, Philippines - Aalamin ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia ang estado ng hosting ng kompetisyon sa Incheon, Korea.
Tutulak ngayon ang isang maliit na delegasyon ng Pilipinas patungong Korea para dumalo sa pagpupulong na gagawin sa Miyerkules.
Habang ang pagsilip sa athletes village at headquarters na hihimpilan ng mga sports officials at secretariat ng Pilipinas ang una sa kanilang gagawin, isasama na rin sa pagbisita ang itinutulak na dagdag na opisyales ng delegasyon.
“We will meet with the Asian Games Organizing Committee and ask them to reconsider some of our resquest for additional officials. May mga sports na kailangan tayong magdagdag ng additional officials dahil kailangan,†wika ni Garcia.
Tinuran niya ang mga sports ng equestrian at cycling na dapat na magkaroon ng extra officials para makatulong sa hangaring paghablot ng medalya.
Tatlong riders ang isasali ng bansa sa equestrian at kung pagbabasehan ang technical guidelines ay isang coach lamang ang puwedeng bitbitin.
“Tatlo lang ang athletes natin pero tatlong kabayo rin ito. Kailangan natin ng tatlong tao para alagaan ang mga kabayo at hindi rin pupuwede na ang coach ng isa ay siya ring coach ng iba dahil iba-iba ang hu-mahawak sa kanila,†paliwanag ni Garcia.
- Latest