King Bull naghari sa 2nd leg ng Hopeful Stakes Race
MANILA, Philippines - Kinilala ang King Bull bilang hari sa second leg ng 2014 Philracom Hopeful Stakes race na ginanap kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Jonathan Hernandez ang dumiskarte sa 3-year-old colt na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor BenÂhur Abalos.
Inilagay ang karera sa 1,800-metro at naorasan ang slight favorite sa 13 kabayo na naglaban ng 1:56.4 gamit ang kuwartos na 14, 24, 25, 25, 28’.
Halagang P600,000.00 mula sa P1 milyong inilaÂan ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang naiuwi ng tambalan sa winning connection bukod pa sa pagsungkit ng karapatan na tumakbo sa 3rd leg ng Triple Crown sa Hulyo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Bumenta ang King Bull na may lahing Bwana Bull at Nothing Impossible ng P157,200.00 buhat sa Daily Double sales na P702,146.00 at ito ang ikalawang kabayo mula sa kampo ni Abalos na nagdomina sa Hopeful.
Ang Malaya ang nanalo sa 1st leg sa Metro Turf Club noong nakaraang buwan sa 1,600m distansya.
Ang Biseng-Bise sa pagdadala ni Mark Alvarez ay nakaremate mula sa pang-limang puwesto sa huling kurÂbada para kunin ang ikalawang puwesto at ang Good ConÂnection ni Pat Dilema at second choice Love Na Love na dinala ng pamalit na hinete Leonardo Cuadra Jr. kay Fernando Raquel Jr. ang kumumpleto sa daÂtingan.
May pabuyang P225,000.00 ang pumangalawa at P125,000.00 at P50,000.00 para sa puÂmangatlo at pumang-apat.
Kumabig ang nanalig sa galing ng King Bull ng P18.50 sa win, habang ang 9-4 forecast ay may P110.50 dibidendo.
Ang tampok na karera sa hanay ng mga three-year old horse na Triple Crown ay lalarga ngayong hapon at hangad ng Kid Molave ni John Alvin Guce ang ikalawang sunod na kampeonato.
Ang coupled entries na Malaya (JB Hernandez) at Kanlaon (Val Dilema) ang mga makakaribal nito, habang ang iba pang kasali ay ang coupled entries Kaiserslautern (AB Alcasid Jr) at Tap Dance (JB Guce), Macho Machine (FM Raquel Jr.), Matang Tubig (CV Garganta) at Low Profile (MA Alvarez).
- Latest