^

PM Sports

Strong Champion Malakas talaga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi napahiya ang kabayong Strong Champion sa pagtitiwala ng bayang karerista nang hugandong nanalo ito noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Jessie Guce ang sumakay sa kabayo sa special handicap race na pinag­labanan sa 1,500-metro at kinargahan ni Guce ang kabayo sa pagpasok sa huling kurbada para iwanan ang mga nakaribal.

Halos apat na dipa ang layo ng nanalong kabayo sa pumangalawang Pinespun para matabunan ng Strong Champion ang pagkatalong nalasap sa Crucis sa pinaglabanang Philracom Imported/Local Challenge race noong nakaraang buwan.

Naghatid ang win ng P6.50 habang ang 5-6 forecast ay nagpasok ng P19.50 dibidendo.

Nagpakilala rin ang kabayong Star Belle nang manalo sa Imported Maiden Division race sa 1,300-metro karera.

Unang takbo ito ng kabayong sakay ni RM Telles at nakita ang lakas sa pagremate ng kabayo nang manalo ang tambalan kahit nalagay sa malayong pang-apat na puwesto sa pagpasok ng huling kurbada.

Pero buo na ang pu­wersa ng Star Belle at gamit ang labas ay humataw ito para  manalo pa ng halos anim na dipa sa pumangalawang Go Ada Go ni Jeff Bacaycay.

Ang Excelsia ni Pat Dilema at siyang slight favorite sa limang kabayong naglaban at nakasalo sa tatlong kabayo na nagla­laban sa unahan at nalagay sa pang-apat na puwesto sa datingan.

Nadehado pa sa bentahan, ang win ng Star Belle ay may P23.50 dibidendo habang ang 3-2 forecast ay nagpasok ng P186.50.

Samantala, lilipat ang pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at tampok  sa dalawang sunod na karera rito ay ang 2nd leg Philracom Hopeful Stakes race at Triple Crown Cham­pionship.

May 13 runners, pero 12 ang opisyal na bilang, ang tatakbo sa Hopeful na siyang tampok na karera sa hapong ito.

Sa 1,800-metro ang distansya ng karera at ang mga kasali ay ang Wild Talk, Lady Leiure, Great Care, Biseng Bise, Ma­rinx, Castle Cat, Rob The Bouncer, Wo Wo Duck , Good Connection, Love Na Love, Bukod Tangi at coupled entries King Bull at Rock Shadow.

Sinahugan ang karerang ito ng P1 milyon ng Philracom at ang mana­nalo ay magbubulsa ng P600,000.00 unang gantimpala bukod sa puwesto sa 3rd Leg ng Triple Crown sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa susunod na buwan.

Inaasahang balikatan ang mga kabayong Love Na Love, Biseng Bise at Marinx na maganda ang ipinakita sa mga huling takbo.

Sa pagtatapos ng pista bukas sa nasabing race track ay paglalabanan ang Triple Crown Championship at ang mata ay nakatuon sa Kid Molave na magbabalak na kunin ang ikalawang sunod na titulo matapos pagharian ang first leg noong nakaraang buwan sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas. (AT)

 

ANG EXCELSIA

BISENG BISE

BUKOD TANGI

CARMONA

CAVITE

LOVE NA LOVE

SAN LAZARO LEISURE PARK

STAR BELLE

STRONG CHAMPION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with