Señor Vito nakapanggulat
MANILA, Philippines - Mahusay na ginabayan ni Louie Balbao ang Señor Vito para makapanggulat noong Martes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Hindi ininda ng tambalan ang ipinataw na mabigat na peso na 58 kilos
sa special handicap race sa 1,400-metro karera nang mapangatawanan ang
maÂlakas na pagdating para magdomina sa siyam na kabayong naglaban pero
walo ang opisyal na bilang ng kasali.
Nakaribal sa rekta ng Señor Vito ang Karapatan na dala ni Jessie Guce,
ang dating hinete ng nanalong kabayo, pero bumigay ang naghahabol na
kabayo sa huling 25-metro para kapusin ng isang dipa sa meta.
Naunang lumayo ang Real Steel habang nasa ikalawang puwesto ang
Karapatan at kasunod nila ang Señor Vito.
Sa far turn ay kinuha na ng Señor Vito ang lideÂrato pero nakadikit ang
Karapatan kaya’t inaasahan ang magandang pagtatapos na tunay na
nangyari at nadomina ng Señor Vito.
Dahil ‘di paborito sa mananaya, ang win ay naghatid ng P74.00
habang ang forecast na 7-3 ay may P169.00 na ipinamahagi.
Ipinakita naman ng kabayong Lion Fort na taglay pa rin nito ang tikas
na ipinakita sa pagbubukas ng taon nang kunin ang panalo sa handicap
race three sa 1,400-metro distansya.
Si Fernando Raquel Jr. pa rin ang hinete ng kabayo at mahusay na
tinantiya ng hinete kung kailan pakakawalan ang bangis ng kabayo tungo
sa tagumpay.
Sumunod muna ang Lion Fort sa pagdadala ng Grand Mighty at pagsapit sa
rekta ay saka humarurot upang manalo ng halos dalawang dipa sa
pumaÂngalawang MyÂwifedoesn’tknow ni Mark Alvarez.
Nagkamal ang mga nanalig sa Lion Fort ng P32.00 sa win habang P139.50
ang ipinasok ng 6-3 forecast.
Pinangatawanan ng Maverick ang pagiging patok sa nilahukang class
division 1B nang kunin ang karera sa pamamagitan ng banderang-tapos na
panalo.
Ikalawang sunod na panalo ito ng kabayong diniskartehan ni jockey
Jonathan Hernandez sa buwan ng Hunyo at ang win ay nagkahalaga ng
P6.00.
Ang Sea Master ang pumangalawa sa datingan para magbigay ng P71.00 sa
8-1 forecast.
Ang iba pang pinalad na kabayo sa gabing ito ay ang Furniture King sa
race one, Imperial Class sa race two, Tumultuous sa race four,
Fireworks sa race 6 at Tellmamailbelate sa race seven. (AT)
- Latest