Algieri ginulantang si Provodnikov para sa korona
NEW YORK -- Dalawang beses bumagsak si challenger Chris Algieri sa first round ngunit nanatiling palaban hanggang sa huli sa kabila ng saradong kanang mata.
Tinalo ni Algieri si RusÂlan Provodnikov via split decision para agawin sa Russian ang suot nitong World BoÂxing OrgaÂnization (WBO) light welÂÂterweight belt sa BarcÂlays Center sa Brooklyn.
Bukod sa pagkopo sa WBO belt ay napanatili rin ni Algieri, isang Long Island native na may masters degree sa nutrition at hangad na maging isang dokÂtor.
Sa pagtatapos ng laban ay sarado na ang kaÂnang mata ng 30-anyos na si Algieri, isang dating kickÂboxer, at tumutulo ang dugo sa ilong.
Si referee Max DeLuÂca ay nagbigay kay Provodnikov ng iskor na 117-109, habang sina Tom Schreck at Don Trella ay piÂnanigan si Algieri sa magÂkatulad nilang 114-112.
Kumonekta si Algieri ng 288 suntok kumpara sa 205 ni Provodnikov, ayon sa CompuBox punch statistics.
Nagpilit si ProvodniÂkov na targetin ang kaÂnang mata ni Algieri, nguÂnit hinÂdi maabot ang mas maÂtangkad na fighter.
“This has been a surreal week,†wika ni AlÂgieri, nagbabandera ngaÂyon ng 20-0-0 (8 KOs) reÂÂcord.
“I thought I was winning the fight. The only shot that hurt me was that first shot in the first round that caught him in the right eye. I could see pretty well out of the eye until round 8, but by the 12th, I was blind. But I was able to anticipate his left hook throughout the fight. I was able to figure out his rhythm. That was the key to my success.â€
- Latest