^

PM Sports

Texters inilaglag ang Gin Kings sa Top Four

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa isang seven-point deficit sa huling apat na minuto para talunin ang Barangay Ginebra, 96-92, at kunin ang No. 1 spot sa quarterfinal round ng 2014 PBA Governors’ Cup ka­gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbida si balik-import Paul Harris para sa ikalawang sunod na panalo ng Tropang Texters sa kanyang 31 points, tampok dito ang 13-of-14 shooting sa free throw line, at 16 rebounds.

Nalasap naman ng Gin Kings ang kanilang panga­lawang dikit na kamalasan na naglaglag sa kanila sa Lo­wer Four.

Ang Top Four teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Makakalaban ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 Ba­rako Bull sa quarterfinals, habang posible namang ma­upo ang Ginebra sa No. 5 o 6.

Kinuha ng Gin Kings ang 57-50 abante sa 4:33 mi­nuto ng fourth quarter bago inagaw ng Tropang Texters ang 83-79 bentahe sa 3:28 minuto.

Nakatabla ang Ginebra sa 83-83 mula sa basket at da­lawang free throws ni import Zach Mason sa hu­ling 2:05 kasunod ang pananalasa nina Harris at Jayson Cas­­tro para ilayo ang Talk ‘N Text sa 90-83 bentahe sa na­­titirang 35.0 segundo.

At mula dito ay hindi na nakadikit pa ang Gin Kings, nakahugot ng 18 points kay Japeth Aguilar ka­su­nod ang tig-15 nina Mason at Greg Slaughter.

Sa unang laro, tinalo ng Alaska ang Barako Bull, 90-87, para sa kanilang pangatlong dikit na ratsada.

Kumonekta si JVee Casio ng dalawang tres para ibi­gay sa Aces ang 88-75 kalamangan sa huling minuto ng final canto bago ito napaliit ng Energy Cola sa tatlong puntos sa pag­tatapos ng laro.

Kung tatalunin ng Rain or Shine ang San Mig Coffee ngayong alas-8 ng gabi ay maaaring makamit ng Alaska ang No. 4 seat at ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarters.

 

ANG TOP FOUR

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ENERGY COLA

GIN KINGS

GINEBRA

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with