^

PM Sports

Miami kailangang gumawa ng‘himala’ para makuha ang 3-peat

Pang-masa

MIAMI – Nakagawa na ng ‘himala’ si LeBron James at ang Miami Heat sa NBA Finals.

Ngunit ngayon ay ka­ilangan ng Heat na guma­wa ng isang espesyal na pag­bangon na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng NBA Finals.

Natalo ang Heat sa San Antonio Spurs, 86-107, sa Game 4 noong Hu­webes na nagbaon sa ka­nila sa 1-3 sa best-of-se­ven championship series.

“We put ourselves in po­sition where it is about ma­king history,” wika ni James matapos ang ka­nilang pagkatalo.

Kailangan ng Miami na manalo ng tatlong sunod para makamit ang three-peat cham­pionship.

Ang dalawa dito ay ga­gawin sa San Antonio si­mula sa Linggo sa Game Five.

Taglay ng Spurs ang 10-2 record sa San Anto­nio sa postseason kung sa­an ang isa ay ipinalasap sa kanila ng Heat sa Game 2.

“I do know the numbers,” sabi ni James. “It’s ne­ver been done before. But we’re still a confident bunch.”

Iniisip si Michael Jordan, pamilyar si Hall of Fa­mer Charles Barkley sa ki­nakaharap na panganib ng Miami.

Noong 1993, naiwan si Barkley at ang Phoenix Suns sa 1-3 sa kamay ni Jordan at ng Chicago Bulls.

Inangkin ng Suns ang Game 5 sa Chicago mula sa kanilang 108-98 panalo para sa 2-3 agwat.

Ngunit naipanalo ng Bulls ang Game 6 sa Phoenix para tapusin ang ka­nilang serye.

“Daunting? They have to win two games in San An­tonio,” sabi ni Barkley. “That’s over daunting. Daun­ting is not the right word. The right word is im­possible. I don’t see them coming back. The rea­son I don’t think they have a chance is because these games haven’t been close. It ain’t like there have been one or two plays where you say the Heat can make an adjustment here or there.”

BARKLEY

CHARLES BARKLEY

CHICAGO BULLS

GAME FIVE

HALL OF FA

MIAMI HEAT

MICHAEL JORDAN

NGUNIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with