^

PM Sports

Malaya magbibigay ng matinding laban para sa Triple Crown Championship

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang magbigay ng magandang laban ang kabayong Malaya sa ikalawang leg ng 2014 Philracom Triple Crown Championship sa Hunyo 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nagpakondisyon ang Malaya sa pagdadala ni Jonathan Hernandez noong Miyerkules nang tumakbo ito sa 3YO special handicap race sa 1,200-metro at nakita ang magandang kondis­yon ng kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos matapos ang wire-to-wire na panalo.

Walang problema sa Malaya kung kasabayan nito ang ibang mahuhusay na kabayo sa nasabing karera dahil nang kinuha ang liderato sa pagbukas ng aparato ay hindi na nilingon ng tabalan ang mga katunggali tungo sa  impresibong panalo.

Ikatlong sunod na panalo ito ng kabayo para ipakita na handa na ang Malaya sa pagsabak sa unang malaking karera na gagawin sa susunod na Linggo.

Nakakuha ng puwesto ang Malaya sa Triple Crown nang dominahin ang pinaglabanang Hopeful Stakes race noong Mayo 17 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Makakasama ng Malaya ang Kanlaon na magtatangka na bigyan uli ng kinang ang mga lahok ni Abalos sa prestihiyosong karera para sa mga edad tatlong taon na kabayo.

Sa kampo ni Abalos nanggaling ang huling kabayo na itinanghal bilang isang Triple Crown champion sa pamamagitan ng Hagdang Bato noong 2012.

Nagpasikat din ang kabayong Bukod Tangi nang kunin ng kabayong sakay ni Antonio Alcasid Jr. ang pangalawang puwesto sa nasabing tagisan.

Rumemate ang Bukod Tangi para maagaw ang ikalawang puwesto sa Lady Leisure na hawak ni JD Juco.

Ang panalo ay nag­l­alagay sa Bukod Tangi para maging palaban sa pagtakbo nito sa Hopeful Stakes sa Hunyo 21.

Nasa 1,800-metro ang distansya ng Triple Crown at Hopeful Stakes at ang mananalo sa una ay may P1.8 milyong prem­yo habang P600,000.00 ang maiuuwi ng magdodomina sa huli. (AT)

 

vuukle comment

ABALOS

ANTONIO ALCASID JR.

BUKOD TANGI

HAGDANG BATO

HOPEFUL STAKES

HUNYO

JONATHAN HERNANDEZ

LADY LEISURE

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with