Brazil tinalo ang Croatia sa 2014 World Cup
SAO PAULO -- Pitong taon na naging hosÂtage sa babala ng baÂyolenteng mga demonsÂtrasyon at nakapanghihinang mga labor strikes, kuÂmawala ang World Cup noong Huwebes nang bigyan ng Brazil ng buÂhay ang torneo mula sa paÂmumuno ni Neymar sa kanilang 3-1 panalo laban sa Croatia.
Sina Neymar at Oscar ang nagbida para sa natuÂrang tagumpay ng Brazil.
Naiwanan sa 0-1 sa pang-11 minuto mula kay defender Marcelo, naiÂÂtabla ng forward na si Neymar ang Brazil sa kanÂyang tirada sa labas ng box.
Sinundan ito ng kanyang penalties sa second half.
Si midfielder Oscar ang sumelyo sa tagumpay ng Brazil nang maisalpak ang kanyang goal sa stoppage time kasabay ng pagdiriwang ng 62,103 maÂnonood sa Corinthians arena.
Para sa 22-anyos na si Neymar, ang pag-iskor ng dalawang beses sa isang gabi sa pagbabalik ng World Cup sa tahanan ng football ay hindi niya naÂpanaginipan.
“I’m very happy, realÂly happy indeed, more than I ever dreamed or imagined,†sabi ni Neymar.
Nagsayawan ang kaÂniÂlang mga fans na nakasuot ng dilaw na damit.
- Latest