^

PM Sports

Roach ayaw sa China gawin ang laban ni Manny

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naihayag na ni Bob Arum ng Top Rank Pro­mo­tions na sa macau, China idaraos ang susunod na laban ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 22.

Ngunit kung si chief trainer Freddie Roach ang tatanungin, mas gusto niyang lumaban muli ang Fi­lipino world eight-division champion sa United States.

Ito ay kung sinuman ki­na Mexican world four-division king Juan Ma­nuel Marquez at world light welterweight titlist Rus­lan Provodnikov ang ma­­kakalaban ng Sarangani Congressman.

“They talk about figh­ting in China, if these big fights happen, they got to move the location,” sabi ni Roach sa panayam ng The Sweet Science.

Nagmula si Pacquiao sa panalo kay Timothy Bradley, Jr. sa kanilang re­match noong Abril, ha­bang binigo naman ni Marquez si Mike Alva­rado.

Ang naturang dalawang laban ay idinaos sa US.

Nasa listahan din ni Arum para itapat sa 35-anyos na si Pacquiao si­na Amir Khan at Danny Garcia.

“I think they would bring it to America, de­pen­ding on the opponent. If a China fight does come off, with a high qua­lity, tough-tough fight like against Ruslan, they don’t know who Ruslan is over there,” wika ni Roach.

Wala pa ring desis­yon ang 40-anyos na si Mar­quez kung muling la­labanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon.

Noong Disyembre 8, 2012 ay pinatulog niya si ‘Pacman’ sa sixth round sa kanilang ikaapat na pag­haharap.

Ito ang sinasabing ayaw mabura ni Marquez sa isipan ng mga fans.

Iniulat na tinanggihan ni Marquez ang inisyal na alok na $12 milyon para sa kanilang pang-limang la­ban ni Pacquiao noong 2013.

Posible namang pu­mayag sa $5 milyon si Provodnikov para sagu­pa­in si Pacquiao sa Nob­yembre 22.

AMIR KHAN

BOB ARUM

DANNY GARCIA

FREDDIE ROACH

JUAN MA

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with