James walang nakuhang suporta mula sa kanyang mga teammates
MIAMI -- May nakiÂtang sakit sa mukha ni LeÂBron James sa kanilang warmups at dalawang beses nilisan ang court para muling lagyan ng tape ang kanyang ankle at para sa isang bathroom break.
Nararamdaman niyang wala siya sa tamang konÂdisyon.
At hindi rin nakakaÂpagpaluwag ng kanyang pakiramdam ang kawalan ng suporta ng kanyang mga kakampi.
Sa kanilang kabiguan sa Game 4 ay nagtala si James ng 28 points.
Ito ay mula sa kanyang 10-for-17 fieldgoal shooÂting, kasama ang 4-for-8 clip sa three-point range.
Hindi ito sapat para itabla ang Miami Heat sa kaÂnilang championship seÂries ng San Antonio Spurs.
“The series is not over,†deklarasyon ni James. “We’ve got guys with too much pride to even start thinking about that.â€
Wala pang koponan sa NBA Finals history ang nakabalik mula sa 1-3 deÂficit.
At alam ito ni James.
“We put ourselves in position where it is about making history,†wika ni James.
Naging balanse ang opensa ng Spurs kung saÂan walong players ang kaÂagad umiskor sa first quarter, habang sa Heat ay wala silang player na nakatulong kay James.
- Latest