^

PM Sports

Spurs Nakalapit sa kampeonato

Pang-masa

MIAMI -- Narito na na­man sila at nakalapit sa pag­kopo sa NBA cham­pionship.

Nakawala ito sa San An­tonio Spurs noong 2013, at kaila­ngang mag­ka­roon ng isang espesyal na pangya­yari para pigi­lin  silang ma­gawa ito nga­yong taon.

At kailangan ng Mia­mi Heat na gumawa ng pi­nakamatinding pagbaba­lik sa NBA Finals history.

“They’re the two-time champs, they’re a great team, and there is still one more game,” sabi ni Spurs guard Tony Parker. “We have to win one more game.”

Humakot si Kawhi Leo­nard ng 20 points at 14 rebounds at muling di­nomina ng Spurs ang Heat, 107-86, sa Game 4 pa­ra angkinin ang mata­yog na 3-1 bentahe sa NBA Finals.

Nagdagdag si Parker ng 19 points, habang kumolekta si Tim Duncan ng 10 points at 11 rebounds para sa Spurs.

Dalawang sunod na na­talo ang San Antonio sa Miami noong nakaraang NBA Finals.

Maaaring kunin ng Spurs ang kanilang pang-limang NBA championship sa panalo sa San An­tonio sa Game 5 sa Ling­go at maipaghiganti ang kanilang seven-game loss sa Miami noong na­ka­raang taon.

May tatlo silang tsansa para gawin ito laban sa Heat, at sa ganda ng ka­nilang inilalaro ay puwedeng isa na lamang ang kanilang kailangan.

“I’m pleased that they performed as well as they did while we’ve been in Mia­mi, and that’s about as far as it goes,” wika ni Spurs coach Gregg Popovich. “Now we’ve got to go back home and play as well or better.”

Kumolekta si LeBron James ng 28 points at 8 re­bounds, subalit nagtala naman si Dwyane Wade ng 1-of-10 fieldgoals para tumapos na may 10 points.

Wala pang koponan ang nakakabangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa serye sa NBA Finals.

At dalawang kabiguan ng Heat sa kanilang court sa Miami ay mahirap isi­pin na kaya itong gawin ng two-time champions.

Iniwanan ng San Antonio ang Miami sa pagsa­pit ng second quarter mula sa magkakasunod nilang basket.

Itinampok sa ratsada ng Spurs ang follow dunk ni Leonard na nagbigay sa kanila ng malaking 22-point lead, 55-33.

Sa naturang yugto ay tu­mipa si James ng 10 points para ilapit ang Heat sa 13-point deficit.

Ngunit muling pinalobo ng San Antonio ang ka­nilang kalamangan sa 81-57 sa pagtatapos ng third quarter at hindi na ni­lingon pa ang Miami.

DWYANE WADE

GREGG POPOVICH

KAWHI LEO

SAN AN

SAN ANTONIO

SHY

SPURS

TIM DUNCAN

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with