^

PM Sports

Blatche okay na kay PNoy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinirmahan na kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship kay NBA player Andray Blatche para matiyak ang pagsali niya sa dalawang malalaking kompetisyon na susuungin ng Pilipinas sa taong ito.

“We confirm that the President signed Republic Act 10636 granting Filipino citizenship to Mr. Blatche,” wika ng statement galing kay Presidential spokesman Edwin Lacierda kahapon.

Ang RA 10636 ay nabuo matapos magtagumpay sina Antipolo City Representative Robbie Puno at Senator Sonny Angara na maipasa ang mga isinusog na batas sa Kongreso at Senado para gawing natura-lized Filipino ang 6’11 center na si Blatche.

Bago inilapat ng Pangulong Aquino ang kanyang lagda, si Blatche ay dumating sa bansa noong Linggo upang  personal na pasalamatan ang mga Kongresista at Senador na sumuporta sa kanya at makaharap ang mga kasamahan sa Gilas at ang mga mataas na opis­yales sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamumuno ng pangulong si Manny V. Pangilinan.

Si Blatche ay bumalik na ng US kahapon at inaasa-hang makakasama ng pambansang koponan kapag nagsimula na ng masinsinang pagsasanay sa Hulyo sa US.

Bukod kay Blatche, si Marcus Douthit ang isa pang naturalized player na puwedeng pagpilian para sa dalawang  malalaking kompetisyon sa susuungin ng bansa.

Ang 6’9” na si Douthit ang siyang tumulong sa pambansang koponan para  malagay sa pangalawang puwesto sa FIBA-Asia men’s championship sa Pilipinas noong nakaraang taon. (AT)

ANDRAY BLATCHE

ANTIPOLO CITY REPRESENTATIVE ROBBIE PUNO

EDWIN LACIERDA

MANNY V

MARCUS DOUTHIT

MR. BLATCHE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with