Ayaw sumuko ni Sterling
LOS ANGELES -- Inalis ni Los Angeles Clippers owner Donald Sterling ang kanyang suporta sa isang kasunduan para ibenta ang koponan kay dating Microsoft CEO Steve Ballmer at itutuloy din niya ang kanyang $1 billion federal lawsuit laban sa NBA.
“We have been instructed to prosecute the lawsuit,’’ sabi ni attorney Maxwell Blecher.
Idinagdag niyang hindi pipirma si co-owner Do-nald Sterling sa kasunduan para ibenta ang Clippers.
Naglabas si Donald Sterling ng isang one-page statement noong Lunes na may pamagat na “The Team is not for Sale’’ at sinabing “from the onset, I did not want to sell the Los Angeles Clippers.’’
Ang $2 billion sale ay inayos ng kanyang asawang si Shelly Sterling matapos ilabas ang racist remarks ni Donald Sterling ng kanyang nobya na naging daan para patalsikin siya ng NBA bilang owner.
Nakasaad sa demanda na nilabag ng NBA ang kanyang constitutional rights nang pagbasehan ang isang diumano’y ‘illegal’ na voice recording na nagbunyag sa kanyang racist comments.
Sinabi pang nilabag ng liga ang breach of contract nang pagmultahin si Sterling ng $2.5 milyon bukod pa sa paglabag sa antitrust laws nang puwersahin siyang ibenta ang Clippers.
- Latest