Ang pagbabalik na Fiesta Fistiana
MANILA, Philippines - Magbabalik ang matagal nang cha-rity boxing event na naging bahagi ng careers nina ring superstars Manny Pacquiao at Gabriel `Flash’ Elorde, world champion Pedro Adigue at Ervito Salavarria at Olympic silver medalist Anthony Villanueva.
Matapos ang pitong taon na pagkakatigil, bubuhayin ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang popular na Fiesta Fistiana para matulungan ang mga naghihirap at may sakit na mga boksingero.
Ang pagbuhay sa nasabing boxing promotion, unang idinaos noong 1955 sa Bullfight Arena malapit sa Rizal Memorial Sports Complex, ay gagawin sa ilalim ng pamamahala ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror katuwang ang Games and Amusements Board (GAB).
Huling idinaos ang Fiesta Fistiana noong 2007 sa ilalim ni dating PSA president Aldrin Cardona ng Daily Tribune sa Rajah Sulaiman Park sa Malate.
Itinampok dito ang laban nina Phi-lippine super bantamweight champion Alex Escaner at No. 3 challenger Jake Verano sa isang 12-round match na nauwi sa kontrobersyal na majority draw.
Sa pagbabalik ng Fiesta Fistiana sa Hunyo 25, ito ay idaraos ito sa Ninoy Aquino Stadium.
Ipagdiriwang ng Fiesta Fistiana ang ika-59 taon nito sapul nang pirmahan ni President Magsaysay ang Republic Act 1373 noong Hunyo 18, 1955 na nagbibi-gay sa PSA, kinikilalang pinakamatandang media organization, ng benifit boxing para tulungan ang mga boksingerong nangangailangan.
- Latest