California Chrome bigo sa US Triple Crown
MANILA, Philippines - NABIGO ang California Chrome sa pinuntiryang kasaysayan sa US Triple Crown nang matalo ang kabayo sa Belmont Stakes na pinaglabanan noong Sabado sa New York.
Naramdaman na ng kabayong nagwagi sa Kentucky Derby at Preakness ang pagod dulot ng pagtakbo sa ikatlong mabigat na karera sa huling limang linggo at tumapos lamang ang paboritong lahok sa ikaapat na puwesto.
Bunga ng pangyayari, lalawig sa 36 taon na walang nakitang Triple Crown champion sa prestihiyosong karera.
Ang kabayong Affirmed ang huling kabayo na winalis ang tatlong yugtong karera pero nangyari ito noon pang 1978.
Ang Tonalist ang siyang kinilalang kampeon sa karerang pinaglabanan sa 1 ½ milya distansya nang talunin ang Commissioner.
Ito ang unang pagkakataon para sa Tonalist at Commissioner na sumali sa tatlong yugtong Triple Crown dahilan upang manawagan din ang
may-ari ng California Chrome ng pangangaÂilangan na baguhin ang patakaran sa pagtanggap ng mga kalahok sa susunod na edisyon.
Itinutulak ni California Chrome co-owner Steve Coburn na ang mga kabayong sasali sa Triple Crown ay dapat tatakbo sa tatlong yugtong
karera para maging patas sa lahat.
“It’s all or nothing. This is not fair to those horses and to the
people that believe in them. This is the coÂward’s way out,†wika ni Coburn.
Ang Tonalist ay huling tumakbo noon pang Mayo 10 at nanalo ito sa Peter Pan Stakes sa Belmont.
Inakala ng mga panatiko ng California Chrome na may ilalabas pa ito nang gamitan ni jockey Victor Espinoza ng latigo sa puntong naÂsa ikatlong puwesto na ang kabayo at papasok sa final turn. Pero wala nang ibinigay ang kabayo para maunsiyami ang makasaysayang kampanya.
“As soon as he came out of the gate, he wasn’t the same,†pag-amin ni Espinoza.
Ang pagkatalo ay tumapos sa anim na karerang panalo ng California Chrome.
- Latest