Biseng Bise panalo sa 3-Yr Old Special Race
MANILA, Philippines - Naipakita muli ng Biseng Bise ang galing sa pagÂtakÂbo nang manalo sa 3-Year Old Special Race noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Mahusay na inilabas ni Mark Alvarez ang sakay na kabayo para makahabol sa Marinx at Rock ShaÂdow na naunang nagbakbakan sa liderato sa kaagahan ng 1,300-metrong karera.
Sa far turn ay three-horse race na ang nangyari peÂro sa rekta ay bumitaw na ang Rock Shadow ni Val DiÂlema para maiwan ang Marinx ni Jessie Guce at BiÂseng Bise na magsukatan.
Pero naiuna ni Alvarez ang ulo ng kabayo sa huÂling 50-metro at napangalagaan ang katiting na kalaÂmaÂngan para manalo sa katunggali.
Ikalawang sunod na panalo ito ng Biseng Bise peÂro una sa buwan ng Hunyo, habang nakabawi naman ang Marinx sa pangpitong puwestong pagtatapos sa huÂling karerang sinalihan.
Ang Macho Machine ni Fernando Raquel Jr. ang siÂyang napaboran matapos manalo sa huling dalaÂwang takbo pero hindi nakasabay ang tambalan at naÂkuntento sa pang-limang puwesto.
Naghatid ang win ng P19.50, habang ang 6-2 forecast ay nagpasok ng P55.50 dibidendo.
Isa pang kabayo na nakabawi sa pangit na takbo sa huling karerang sinalihan ay ang Square Deal sa pagdadala pa rin ni NK CaÂlingasan.
Nalagay sa ika-10 puÂwesto sa huling takbo, konÂdisyon ngayon ang Square Deal sa nilahukang 3YO Handicap Race 2 karera sa 1,300-metro disÂtansya matapos pangunahan ito ng tambalan.
Ang Maximum VeloÂcity na hawak ni LT Cuadra Jr. ang siyang paÂboÂrito sa 11 kabayo na nagÂlaban, kasama ang isang coupled entries, peÂro wala sa kondisyon ang kaÂbayong nanalo noong Hunyo 1 at tumapos lamang sa pang-apat na puÂwesto.
Ang Sea Hawk ni RoÂdeo Fernandez ang puÂmaÂngalawa sa datiÂngan paÂra mapasaya ang mga kaÂrerista dahil pumalo sa P1,050.50 ang 10-2 forecast, habang ang win ay mayroong P21.50 na ipiÂnamahagi.
- Latest