Blatche bibisita sa Pinas
MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa ngayong umaga si Brooklyn Nets’ center Andray Blatche para personal na makilala ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa kanyang official Twitter account na @coachot.
“He’s on the plane. Arriving tom, 10 a.m. @drayblatche is coming to town,†wika ni Reyes sa 6-foot-11 na si Blatche.
May maikling tweet naman si Blatche.
“Kumusta Manila #LabaPilipinasPuso! @coachot.†ani Blatche sa kanyang Twitter account na @drayblatche.
Magtatagal ang NBA veteran sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw kung saan gusto niyang pasaÂlamatan ang mga mambabatas na nagpasa ng isang panukala para gawin siyang naturalized Filipino.
Ang naturang bill ay kailangan pa ng lagda ni PaÂnguÂlong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III para tuluyan nang mabigyan ng Filipino citizenship si Blatche.
Umaasa si Reyes at ang Samahang Basketbol PiÂlipinas (SBP) na matutulungan ni Blatche ang Gilas paÂra sa FIBA-World Cup sa Spain sa Agosto at sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.
Natalo ang Nets sa Miami Heat, 1-4, sa nakaraan niÂlang NBA semifinal series.
- Latest