Handa nang sumabak sa game two: LeBron ok na ang pakiramdam
SAN ANTONIO -- Tiniyak ni LeBron James na handa na siyang maglaro sa Game 2 ng NBA Finals sa Linggo ng gabi.
Ito ay matapos makaÂranas si James ng leg cramps sa huling apat na miÂnuto ng laro na sinasaÂbing naging dahilan ng 95-110 kabiguan ng MiaÂmi Heat sa San Antonio Spurs sa Game 1.
Sa kanyang dinanas na leg cramps at dehydration at ilang ulit na pagpunta sa banyo, iginiit ni James na maglalaro siya sa Game 2 ng NBA Finals.
“I’ll be in uniform on Sunday,†sabi ni James. “I should be 100 percent on Sunday. Obviously I’m going to take it light toÂday. Training staff said I should take it light today. Give the body another day to recover. Tomorrow I should be back on my feet full go - and I got all day Sunday to get ready for SunÂday night.â€
Abante ng 7 points sa isang bahagi ng fourth quarÂter, kumulapso ang Heat sa huling apat na miÂnuto at ang biglaang pag-upo ni James dahil sa leg cramps ang sinasabing isa sa mga dahilan nito.
Lumamang ang Spurs sa 94-92 matapos umiskor si James sa 4:09 minuto ng fourth quarter bago siÂya iniupo nang hindi maÂÂkakilos sa loob ng 10 seÂÂgundo.
Sinamantala naman ito ng San Antonio para tuÂluyan nang gibain ang MiaÂmi sa pamamagitan ng 16-3 atake.
Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra na kailaÂngang ipanalo ng two-time defending NBA chamÂpions ang laro nariyan man o wala si James.
“He’s a competitor at the highest level,’’ sabi ni Spoelstra sa pagiging paÂlaban ni James.
“So it was killing him being on that sideline, but you also have your health to look after. Look, 99.9 (perÂcent) of people have neÂver pushed their body to that level, at that level where you’re past the point where your tank is empty and your body shuts down. For a compeÂtitor and for the best player in the game at this level to constantly push his body past that point, I think, is incredibly admirable.’’
- Latest