Panalo ng Maker’s Mark Nadugtungan ni JB Cordova
MANILA, Philippines - Matagumpay na nadugtungan ni JB Cordova ang panalong nakuha ng Maker’s Mark sa huÂling takbo nang pangunahan ang class division 1A noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Paborito ang tambalan sa hanay ng 12 naglaban sa 1,300-metro distansya at napangatawanan ng Maker’s Mark ang maagang pagtrangko nang naisantabi ang malakas na pagdating ng Dome Of Peace.
Hinataw nang hinataw ni Bryan Leiroy Yamzon ang sakay na kabayo pero kinapos ito ng kalahating dipa sa meta.
May ibinigay na P5.50 ang win ng patok na kabayo habang ang 4-12 forecast ay naghatid ng P21.00.
Nakabawi ang SoveÂreign Lady sa ‘di pagtimbang sa huling takbo nang manalo sa 3YO Maiden A race sa distanyang 1,300-metro karera.
Ang tatlong taon gulang na filly na may lahing Fort Dignity at Hunter Halo ay nanguna pagpasok sa far turn at mula rito ay hindi na binitiwan pa ang kalamangan tungo sa panalo.
Noong Hunyo 1 huling tumakbo ang Sovereign Lady at nalagay lamang ang kabayong nirerendahan ni NK Calingasan sa ikapitong puwesto.
Ang Silver Tongue na nirendahan ni Rom Bolivar ang pumangalawa sa datingan habang ang Jazz Grandstar ay na-scratch sa karera.
Umabot ang 5-6 forecast sa P47.00 habang ang win ay may dibidendong P6.00.
Kasama rin sa pinalad na manalo sa una sa dalawang gabi sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ang Tumultuos sa pagdadala pa rin ni EP Nahilat.
Agad na naisabay ni Nahilat ang kabayo sa naunang Lucky Master at sa rekta kinuha ang bandera tungo sa isang dipang agwat sa meta.
Hindi tumimbang ang tambalan sa tatlong karera na sinalihan noong nakaraang buwan, ang win ng Tumultuos ay naghatid ng P39.00 habang ang 8-3 forecast ay may mas malaking P1,805.50 dibidendo.
Ang Pure Enjoyment ang siyang napaboran pero iba ang kondisyong ipinakita ng kabayong nagbakasyon ng mahigit isang buwan at hindi tumimbang sa karera.
Hindi nagpahuli sa mga kuminang ang My Wife Knows All ni Mark Alvarez nang kunin ang ikalawang sunod na panalo sa buwang ito at ikatlo sa huling apat na takbo nang daigin ang Echomac sa unang karera na Handicap Race four.
May P16.50 pa ang ibinigay sa win habang P23.00 ang naipamahagi sa 8-7 forecast. (AT)
- Latest