Tagumpay ng nagbabalik na Royal Choice
MANILA, Philippines - Magandang pagbabalik ang naipakita ng Royal Choice sa pagdadala ni RO Niu Jr. nang manalo ito sa nilahukang karera noong Martes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May 11 kabayo ang naglaban sa class division 1 na inilagay sa 1,400-metro distansya at mahusay na kondisÂyon ang naipamalas ng Royal Choice para pangunahan ang karera.
Dehado ang kabayo dahil halos tatlong buwan itong ipinahinga pero ang kabayo na daÂting sinasakyan ni Jessie Guce ay nakitaan ng magandang takbo sa pagdiskarte ngayon ni Niu upang manaig sa hamon ng napaborang Armoury ni CJ Reyes.
Bago ang karerang ito ay nagpapanalo ang Armoury para ipalagay na magpapatuloy ang dominanteng porma ng kabayo kahit umakyat ito ng grupo.
Sinuwerte ang mga nanalig sa galing ng Royal Choice dahil nasa P172.50 ang ibinigay sa win habang ang forecast ay nasa P647.50.
Pinangatawanan ng Al Safirah ang pagiging patok na kabayo nang dominahin ang Handicap Race na pinaglabanan din sa 1,400-metro distansya.
Galing sa panalo noong Mayo 30 ang kabayong diniskartehan ni CV Garganta at hindi nawala ang tulin na ipinakita sa huling karera para manalo sa second choice na Good Fortune ni EL Blancaflor mula sa sa pitong naglaban.
Balik-taya na P5.00 ang nangyari sa win habang ang 4-7 forecast ay nagpamahagi pa ng P16.50 dibidendo.
Ang nagpasikat na hinete sa pagbubukas sa anim na araw na pista sa linggong ito ay si LD Balboa nang magtala ito ng dalawang panalo sa walong karerang pinagÂlabanan sa una sa dalawang sunod na karera sa bakuran ng Manila Jockey Club.
Naunang kuminang sa pagdadala ni Balboa ang Chevrome sa class division 5 race sa 1,300-metro distansya bago isinunod ang Alessi’s Touch sa class divison 1C.
Hinigitan ng Chevrome ang pagdating ng paboritong kabayo na Café Rodolfo ni Guce para makapaghatid ng P14.50 sa win at P68.50 sa forecast.
Naibangon ni Balboa ang Alessi’s Touch buhat sa di magandang ika-13th puwesto sa huli nilang takbo nang manaig sa laban na ipinagkaloob ng Diamond Lover sa 1,300-metro karera.
Ang panalo laban sa mas pinaborang katunggali ay may P14.00 sa 5-1 forecast habang ang win ay may P12.00 dibidendo. (AT)
- Latest