Mahirap abutan ang Hagdang Bato
MANILA, Philippines - Hindi na mawawala sa Hagdang Bato ang taguri bilang kabayong may pinakamalaking kinita sa kanyang hanay.
Maaring bumilang ng maraming taon bago may makitang kabayo na makakahigit sa napanalunang premyo na ng two-time Horse of the Year awardee.
Sa datos ng Philracom mula Enero 2008 hanggang Marso 31, 2014, ang kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang natatanging kabayo na ang premyong napanalunan ay pumalo na sa mahigit P20 milyon.
May 20 panalo at isang segundo puwestong pagtatapos, ang limang taong kabayo ay nakalikom na ng kabuuang P22,084,404.10 kita at ito ay madaragdagan pa dahil patuloy pa ang pagtakbo ng kabayo.
Wala pang kabayo sa talaan ang nakapasok sa P20 milyon marka at ang kabayo na dating tinitiÂngala na Yes Pogi ay umabot lang sa P15,275,199.02 ang kabuuang kinita.
Naabot ng Yes Pogi ang markang ito dahil gamit ang mas maraming takbo kumpara sa Hagdang Bato. Nagkaroon ito ng 18 panalo bukod sa 17 segundo at anim na tersero puwestong pagtatapos.
Ang nasa ikatlo sa talaan ay ang Magna Carta bago sinundan ng Don Enrico at Heaven Sent.
May 15 panalo , 7 segundo at isang tersero karta ang Magna Carta para makalikom ng P13,033,700.83 habang ang Don Enrico na may 27 panalo, dalawang segundo at apat na tersero puwestong pagtatapos ay naghatid ng P12,403,488.37 panalo.
Umabot sa P10,Â354,810.73 ang kinita ng Heaven Sent sa naitalang 17 panalo, 11 segundo at limang tersero puwestong pagtatapos.
Ang Go Army na pag-aari ni Hermie Esguerra at hinangaan din noong kanyang kapanahunan ay kinapos ng kaunti para umaÂbot sa P10 milyong kita sa kinabig na P9,896,277.31 premyo. Tinapos ng kabayo ang pagtakbo bitbit ang 29 panalo, 8 segundo at 7 tersero puwesto.
Ang Ibarra na pag-aari rin ni Abalos ay nagbitbit ng P8,772,924.97 premyo sa 19-3-2 una hanggang ikatlong puwesto pagtatapos. (AT)
- Latest