Jackson pinagmulta ng $25K dahil sa tampering violation
NEW YORK -- Pinagmulta si Knicks president Phil Jackson ng $25,000 ng NBA para sa isang tampering violation na kinasasangkutan ni veteran guard Derek Fisher.
Sinabi ni Jackson sa mga reporters noong nakaraang linggo na si Fisher “is on my list of guys that could be very good candidates’’ para maging coach ng Knicks sa susunod na season.
Dahil si Fisher ay may kontrata sa Oklahoma City Thunder, ang pahayag ni Jackson ay labag sa league rules.
Ang Thunder ay sinibak sa Western Conference finals ng San Antonio Spurs.
Si Fisher ay inaasahang magreretiro at sinabi sa mga reporters matapos ang huling season ng Oklahoma City na plano niyang makipag-usap sa ilang koponan.
Kinumpleto ni Fisher ang kanyang ika-18 season.
Naglaro siya sa ilalim ni Jackson sa Los Angeles Lakers at tinulungan ang prangkisa na manalo ng limang NBA titles.
- Latest