^

PM Sports

Miami nakatuon ang isip sa NBA Finals

Pang-masa

MIAMI – Maraming maaaring magbago sa Mia-mi Heat sa Hulyo.

Kung ano ang ilalaro ng Heat sa kanilang NBA Finals rematch ng San Antonio Spurs ang maaa-ring magdikta kung ano ang mangyayari sa Hulyo.

Sina LeBron James, Chris Bosh at Dwyane Wade ay maaaring ma-ging free agents kung pipiliin nila.

Sinabi ni Wade noong Lunes na wala pang nagsasalita sa kanilang tatlo kung ano ang mangyayari sa Hulyo. “I’m not lying,” aniya.

Habang patuloy ang arangkada ng Miami ay tiyak ang pananatili ng “Big 3”.

“I want to come back. That’s OK to say, I think,” wika ni Bosh matapos ang unang workout ng Miami para sa NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa San Antonio. “I can’t speak for anything else and I don’t want to take away from the subject at hand, but I like it here. It’s Miami. Enough said. People are dying to get here.”

Anuman ang mangyari sa Heat-Spurs series ay magkakaroon ng pagbabago sa Heat na taunang nangyayari sa kahit anong koponan.

Si Shane Battier ay magreretiro na at ito rin ang iniisip ni Ray Allen.

Sina Mario Chalmers, James Jones at Rashard Lewis ay mga notable free-agents-in-waiting.

Ayon kay Allen, lahat sila ay nakatutok sa kanilang NBA Finals series ng Spurs.

Nangako si Tim Duncan na kukunin ng San Antonio ang korona nga-yong season matapos talu-nin ng Heat noong 2013.

Subalit ayon kay James, ang dalawang koponan ay may kanya-kanyang motibasyon.

“That’s the great thing about having veterans,” sabi naman ni Allen. “Nobody worries about what’s not here yet.”

vuukle comment

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

HULYO

JAMES JONES

RASHARD LEWIS

RAY ALLEN

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SI SHANE BATTIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with