^

PM Sports

Pagtatabla nina James at Duncan mababasag na

Pang-masa

MIAMI -- Sa nakaraang 10 seasons, tanging isang NBA player ang nakatikim ng mas maraming panalo kaysa kay LeBron James.

Ang kanyang pangalan ay Tim Duncan.

Ang kanilang mga numero sa nakaraang dekada ay halos magkapareho.

Nakita si Duncan sa 622 regular-season at playoff victories, habang si James ay naglaro ng 621.

Tumipa si Duncan ng 50.2 percent fieldgoals shooting, samantalang si James ay tumitipa ng 50 percent.

Dalawang beses nagbigay ng NBA title si Duncan sa San Antonio sa kanyang 10-season stretch at may dalawa din si James para sa Miami.

Sa kanilang muling paghaharap sa NBA Finals ay may 1-1 record sina Duncan at James.

At ang tiebreaker ay ang kanilang Finals rematch.

Ang Miami at ang San Antonio ang tanging dalawang koponang natirang nakatayo sa ikalawang sunod na taon.

Ang Game 1 ay nakatakda sa Huwebes sa San Antonio.

Sa naturang venue nanalo ang Heat kung saan sila nakalusot sa Game 6 at sumandal sa 37-point, 12-rebound effort ni James para gibain ang Spurs sa Game 7.

“I think our guys, they actually grew from the loss last year,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “I call it fortitude. I think they showed an unbelievable amount of fortitude. If I can compliment my own team humbly, to have that tough loss, especially the Game 6 and not have a pity party and come back this year and get back to the same position, I think that’s fortitude.’’

Ito ang unang Finals rematch sa NBA matapos ang Chicago at Utah noong 1997 at 1998.

Naipanalo ng San Antonio ang 62 games sa regular season, ang pinakamagandang record sa liga.

Ang isa sa naturang panalo ay ang kanilang 24-point win sa Miami sa nasabing venue kung saan sisimulan ang kanilang NBA Finals rematch ngayong season. Alam ng Heat ang pakiramdam ng paghihiganti.

ALAM

ANG GAME

ANG MIAMI

DALAWANG

DUNCAN

GREGG POPOVICH

IF I

SAN ANTONIO

TIM DUNCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with